25

Apr 7, 2021 @ 22:26
By

Pinoy resto nagbukas sa Texas, US

Isang kilalang Filipino restaurant ang nagbukas ng branch sa Amerika.

Matapos ang 75 taon ay matitikman na ng mga Pilipino at iba pang nasyon ang mga putaheng Pilipinong hatid ng Max’s restaurant.

Nagkaroon ito ng soft opening sa kanilang Houston, Texas branch nitong linggo.

Sa kabila ng pandemya ay pursigido ang franchise owner na si Marie de Guzman dahil mayroon nang bakuna laban sa virus.

“When the vaccine started to come out, I think it’s the right time [to open] because we feel more confident,” sambit niya sa ABS-CBN report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?