88
onestore
Apr 4, 2018 @ 19:23
By

Pinoy products ng small time traders, ibebenta na online

Aabot na sa lahat ng bahagi ng mundo ang mga produktong-Filipino na gawa ng mga maliliit na negosyante sa bansa.

Ito ay bunga ng pagtutulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Science and Technology (DOST) sa pagbuo ng OneSTore.ph, ang online shop para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez bahagi ito ng pagtupad nila sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga maliliit na negosyante sa pamamagitan ng ‘whole government approach.’

Paliwanag ni Lopez ang OneSTore.ph ay ang unang e-commerce platform ng gobyerno para sa pagbebenta ng mga de-kalidad na produkto ng mga maliliit na negosyanteng Filipino sa pamamagitan ng Internet.

Bahagi rin ito aniya ng kanilang istratehiya na maipagbili ang mga produkto sa mga pangunahing merkado.

Sinabi din ng kalihim na prayoridad din nila ang mga produkto na bahagi ng kanilang One Town, One Product (OTOP) program sa sinimulan nilang online platform.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?