96

Pinoy pride! Florist pasok sa finals ng tissue dress contest

Kinabiliban ang talento ni Filipino florist Ronaldo “Roy” Cruz nang pumasok na naman ito sa Cruz the Charm Weddings and Quilted Northern’s Annual Toilet Paper Wedding Dress Contest.

Isa si Roy sa 12 designer na napili sa higit 1,500 kalahok ng contest.

Ngayong taon, binida ng Pinoy na taga-Chesapeake, Virginia ang damit na “La Filipina” bilang pagkilala sa kanyang family heritage, at nakaubos ito ng 40 toilet paper roll.

Noong nakaraang taon, nagwagi ito ng top prize. Naging fan favorite din si Roy sa mga taong 2015, 2016 at 2017.

Kwento ng Pinoy designer sa WTKR News 3, sa Pilipinas pa lang, nasanay na siyang gumawa ng damit sa iba’t ibang bagay, gaya ng kabibe, mais, at tuyong bulaklak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?