387

By

Pinoy Power! Tyra Banks napa-wow sa slow-mo ikot ni Catriona

Sharing is caring!

Maging ang isang sikat na US model ay napamangha ng pambato ng Pilipinas sa Miss U na si Catriona Gray.

Sa tweet ni Tyra Banks, kanyang pinuri si Catriona matapos mai-tag sa twirl moment ng kandidata

“I mean…Pinoy Power to the Max!!!” saad sa tweet ng modelo.

Viral na ang nasabing ikot ni Catriona, na binansagan ng mga fan na ‘Lava Walk’.

Sa Lunes, Disyembre 17 na malalaman kung si Catriona na nga ang susunod sa yapak ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at makokopo ang korona bilang pinakamagandang dilag sa balat ng lupa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?