10

Jun 12, 2021 @ 12:45
By

Pinoy pole vaulter Obiena winalis mga German

Umukit ng bagong outdoor record ng Pilipinas si Tokyo Olympic bound pole vaulter EJ Obiena.

Naitala niya ang record na 5.85 metro para masungkit ang gintong medalya sa Jump and Fly event sa Mossingen, Germany.

Binasag niya ang dating record na 5.81 metro noong 2019 sa Chiara, Italy, kung saan siya naging unang atletang Pilipino na nakapasok sa Tokyo Olympics.

Ginapi niya ang mga German na sina Zernikel Oleg (5.7m, silver medal), at Kass Philip at Human Tom Linus (5.4m, kapwa 3rd place).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,