62

Nov 13, 2021 @ 15:12
By

Pinoy pinagtataga sa US, lusot kay kamatayan

Isang 71-anyos na Pinoy ang himalang nakaligtas matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa El Cajon, San Diego, California kamakailan.

Batay sa ulat ng ABS-CBN news, noong Nobyembre 3 ay papalabas ng isang trolly station ang biktimang si Jose Serra, at papunta sana sa kanyang kaibigan bago niya nakasalubong ang suspek.

Nagtanong lang umano ng direksyon ang suspek sa biktima bago niya ito pinagsasaksak at pagkatapos ay tumakas na.

Nadala agad sa pagamutan si Serra na halos natapyas ang tainga at kailangang sumailalim sa hand surgery.

“He’s in good spirits, he’s a fighter and his head is all bandaged up. He’s all laid out. It’s going to be a long recovery but he’s got a good attitude about it,” saad ng kaibigan ni Serra na si Todd Jones.

Sa tulong ng CCTV, nakilala ang suspek na si Israel Ezekiel Valdivia, 24-anyos, na may record na rin umano sa pulisya.

Pinaghahanap na siya ngayon ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,