78

Oct 17, 2017 @ 12:26

Pinoy patay sa wildfire sa California

Nasawi ang isang Pinoy sa malawakang wildfire sa Norther California, ayon sa Philippine Consulate General sa San Franciso.

Sa natanggap na report ng DFA, sinabing narekober ang labi noong Sabado sa Napa country. Hindi pa nakikilala ang biktima.

Agad namang nagpa-abot ng pakikiramay si Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano sa pamilya ng biktima.

“We offer our sincere sympathies and prayers to the family of our kababayan who perished in this horrific fire.  I have instructed our Consulate General in San Francisco to offer all possible assistance to the family and to continue to closely monitor the welfare of other Filipinos in the affected areas,” sabi ni Cayetano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?