21

Jun 19, 2021 @ 17:05
By

‘Pinoy Olympians, akyat sa 12

Umabot na sa 12 ang mga atletang Pinoy na pasok sa 2020 Tokyo Olympics.

Ito ay matapos ianunsyo ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino na pasok si Jayson Valdez sa men’s air rifle 10-meter event ng Olympics.

Ayon kay Tolentino, nakatanggap ang kanyang opisina nitong Sabado ng isang email kung saan nakasaad na nakapasok sa quota ng Internation Shooting Sports Federation (ISSF) si Valdez.

“That’s an additional chance for us. Good thing there’s a quota qualifying in shooting, and the better thing, we have a world ranking athlete, also a scholar of the POC,” pahayag ni Tolentino sa isang statement.

“They asked me if we’re ready, so I replied ‘Yes we’re ready!’ and they gave me the quota,” pahayag naman ni Valdez.

Ayon kay Philippine National Shooting Association (PNSA) Secretary General Irene Garcia, sumapat ang mga iskor na naipon ni Valdez sa kanyang pakikilahok sa World Cup at Asian qualifying tournament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?