89

By

Pinoy OFW binisto ang kurakutan ng PKF sa Saudi

Sharing is caring!

Hindi na lamang pambansang koponan sa Karatedo ang pinaiimbestigahan, nang umentra na rin ang isang grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) para ipaalam din ang nangyaring posibleng katiwalian at pag-abuso sa tinatangkilik na sports.

Isinumbong ng OFW na nagpakilalang McNeely sa pamamagitan ng FB kina dating PSC Chairman Aparicio Mequi at PSC Commissioner Ramon “El Presidente” Fernandez na sana’y bigyan agad ng atensiyon ang kanilang hinaing para sa kanilang mga kababayang Pinoy.

“Mawalang galang na po at makisawsaw sa mga magagandang comments dito about the PKF-NSA ‘Corrupt Officials’,” sabi ni McNeely, na matagal nang regular na empleyado sa KSA.

“Pwede rin sigurong siyasatin ang mga appointed nilang PKF-NSA Middle East Officers dito sa Jeddah, K.S.A. kung saan napunta ang bayad ng individual at club members ng clubs along with sanction fees tuwing magpa-tourney sila dito sa Jeddah,” aniya pa.

“Aba’y sakop pa rin kasi nila ang Saudi Arabia sa mga kalokohan nila. Sa amin lang sa PSKAI-MEC ay almost 2,000 SAR ang naibayad namin sa 15 students namin. Kaya ‘di kami nag-renew ng membership kasi ‘di na rin napapalitan ang mga officer nila dito. Nagka-election nga ng mga ilang taon na ang nakaraan pero midnight election pa ginawa, kesyo ‘yon lang daw time ng isang officer nila. At ang pinakamatindi ay nagkaroon din ng ‘Hello Garci’ version ng election dito,” sabi pa nito.

Nagkalakas-loob naman ang grupo na ipaalam ang sitwasyon ng mga Pinoy na nahihilig sa Karate matapos buuin ng Philippine Sports Commisison ang Task Force Against Corruption in Sports.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?