127

Nov 5, 2017 @ 14:39

Pinoy nurses, therapists wanted sa Saudi Arabia

Sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, nangangailangan ngayon ang Saudi Arabia ng mahigit isang libong mga Pilipinong health worker.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), naghahanap ang Saudi Ministry of Health ng 1,200 babaeng specialist nurse at 100 babae o lalaking respiratory therapist.

Hindi na umano kailangan pang dumaan sa recruitment agency ang aplikante dahil gobyerno sa gobyerno ang programa.

Wala ring babayarang placement fee.

Kailangan lamang umanong magrehistro ng aplikante sa POEA website na www.poea.gov.ph.

Ang makukuhang specialist nurse ay tatanggap ng P56 libo kada buwan na sahod.

Para sa naman sa mga respiratory specialist, ang magiging sahod ay P109 libo kada buwan. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?