73

Jun 6, 2020 @ 21:12
By

Pinoy nakapagtapos sa Harvard Law School

Hindi inakala ng isang Pilipino na makakapagtapos siya ng pag-aaral sa Harvard University sa Cambridge, Massachusetts.

Akala noon ni Jose Angelo David na sa mga nobela lang nag-e-exist ang Harvard at kailanman ay hindi niya ito maaabot dahil lumaki lang siya sa maliit na bayan sa Metro Manila kung saan iilan lang ang nakakapagtapos ng kolehiyo o nakakaabot dito.

Isang local government employee ang kanyang ama at ang pagpapapasok sa kanilang tatlong magkakapatid sa public school ang paraan para makaipon ito at mapag-aral sila sa kolehiyo.

Hindi raw madalas mapag-usapan sa paaralan niya ang masteral dahil karamihan ng estudyante ay malaking hamon na ang pagkakaroon ng college degree.

Lalo pa raw nadagdagan ang hamon na kinakaharap niya nang ma-diagnose na may leukemia ang kanyang ama kung saan naubos ang ipon ng kanilang pamilya.

Hindi lang pumanaw ang kanyang ama kundi nawalan din sila ng pag-asa na magkaroon ng komportableng buhay.

Malaki ang pasasalamat niya sa kanilang ina na malakas pa at nakapagtrabaho sa call center.

Sa pamamagitan ng full scholarship ay nakapagtapos siya sa San Beda Law School at naging abogado sa Pilipinas.

Nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa kanya at nagbigay motibo.

“So, when I say that getting a Harvard degree was to me unimaginable, my purpose is to recognize that getting a Harvard diploma took a lot of blood, sweat, and tears—not just my own, but of many others who supported me, taught me, inspired me, and motivated me to realize my grandest aspirations. I take this chance to thank a few of these people, without intent to belittle the love and support of those I may not specifically mention,” ani David sa Facebook post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?