22

Jun 11, 2021 @ 21:06
By

Pinoy nagtapos na may perpektong grado sa US

Isang Pilipino ang hinangaan dahil bukod sa naka-graduate sa isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa Amerika ay mayroon pa siyang perpektong grade point average (GPA).

Nagtapos si Farrell Eldrian Wu na may impresibong GPA na 5.0, ang pinakamataas na grado, sa Massachusetts Institute of Technology (MIT).

Kamakailan ay binati ni Vice President Leni Robredo si Wu, na naging kaibigan daw noon ng kanyang anak na si Jillian.

“Nakakapangilabot! I know Farrel Wu personally. He was Jillian’s friend since they were in Grade School. They trained for International Math Competitions and competed together. It was Farrel who would always bag the GOLD for the Philippines. He brought a lot of honor for the country from Grade School and High School,” saad ni Robredo.

“It was no surprise that he got into the best Ivy League schools in the US when he applied for college. Also no surprise that he chose MIT, which is one of the most difficult to enter into. I knew he would excel even in MIT but to have a perfect GPA is no mean feat. Congratulations, Farrel!” dagdag niya.

Mayroong dalawang degree mula sa MIT si Wu: Ang Bachelor of Science in Computer Science and Engineering at Bachelor of Science in Business Analytics with a minor in Economics.

Kinilala si Wu na math wizard nang mag-aral ng high school sa Pilipinas, at nakasungkit ng mga award sa International Mathematics Olympiad taong 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?