56

Oct 8, 2017 @ 16:39

Pinoy na utak sa terror plot sa NY, isusuko ng PH sa US

Nakatakdang i-turn over ng Pilipinas sa gobyerno ng Amerika ang pilipinong duktor na inakusahang nagplano ng terror attack sa New York, United States of America.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Dr. Russel Salic dahil sa mga kasong murder at kidnapping.

Ayon kay Abella, sisimulan na ng gobyerno ang extradition proceedings para kay Dr. Salic, bilang tugon sa kahilingan ng U.S. Government  alinsunod sa Extradition Treaty ng dalawang bansa.

Bukod dito sinabi ni Abella na buo ang suporta at kooperasyon ng Pilipinas sa kampanya kontra terorismo kayat ano mang kakailanganing impormasyon ay handang ibigay ng gobyerno.

“The Philippines shares information and extends full cooperation with partners on matters pertaining to terrorism, and in the case of Dr. Salic will include initiating extradition proceedings being requested by the US,” ang pahayag ni Abella.

Tiniyak naman ng opisyal na  tuloy ang pag-usad ng kaso laban kay Salic habang isinusulong ang proseso ng kanyang extradition sa Amerika.

Sinabi ni Abella na si Salic ang duoktor ng Maute terror group na responsable sa pagsalakay sa Marawi City.

“We confirm that Russel Salic , who has been charged for allegedly supporting a foiled terror plot in New York City, is under the custody of NBI, and said to be the physician attending to the  Maute group, is currently undergoing preliminary investigation before the Department of Justice over kidnapping and murder charges,” ang dagdag na pahayag ni Abella.

Nauna rito, ipinagmayabang umano ni Salic sa mga kasabwat nito sa Amerika na maluwag ang mga batas sa Pilipinas kontra terorismo kayat maganda umanong “breeding ground” ito para sa mga terorista.(Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?