23

By

‘Pinoy’ na utak sa mail bomb scare sa US, kulong ng panghabambuhay

Sharing is caring!

Nahaharap sa 30 criminal count si Cesar Sayoc, ang tinuturong nagpadala ng mga pipe bomb sa ilang mga kritiko ni US President Donald Trump.

Sa ihinaing kaso ng federal prosecutor, nagbago ang sentensya ni Sayoc, na dati ay 48-taon lang, ngayon ay habambuhay na pagkabilanggo na ang itinapat.

Si Sayoc ay matatandaang inuugnay sa lampas dosenang mail bomb scare sa US, na kasama sa kanyang mga pinadalhan ay si dating US President Barack Obama, dating vice president Joe Biden, at dating first lady Hillary Clinton.

Heto ang mga kasong haharapin ni Sayoc: 5 counts ng use of a weapon of mass destruction, 5 counts ng interstate transportation and receipt of explosives, 5 count ng threatening interstate communications, 5 counts ng illegal mailing of explosives, 5 counts ng use of explosives to commit a felony at 5 counts of use of a destructive device during and in furtherance of a crime of violence.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?