58

Feb 18, 2020 @ 17:18
By

Pinoy na positibo sa COVID-19 sa cruise ship, maiiwan – DOH

Hindi kasama sa iuuwi sa Pilipinas ang 27 Pilipino na naka-quarantine sa Diamond Princess cruise ship sa Yokohama Port sa Japan matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

“Hindi sila kasama sa iuuwi [sapagkat] nagpakita na sila ng sintomas. May screening kasi ‘yan eh, may screening na gagawin diyan bago sila mag-disembark sa barko at bago sila pasakayin sa eroplano,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam sa DZMM.

Naiulat na ang Embassy of Japan at mga may-ari ng barko ang humiling ng repatriation para sa 538 pasahero nilang Pilipino at crew kapag natapos na ang quarantine ng mga ito sa Pebrero 19.

Samantala, nananatili sa 27 ang bilang ng mga Pilipino na sakay ng Japanese cruise ship na positibo sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?