211

Apr 17, 2020 @ 13:57
By

Pinoy na nakakasalita ng 18 wika kinabiliban

Pinanumbalik ng mga netizen ang 2018 video ng isang binatilyong Pinoy na marunong umanong magsalita ng 18 iba’t ibang wika.

Pinakilala ni Marlon Ramos ang kanyang sarili sa madla sa pamamagitan ng mga wikang Tagalog, English, Spanish, French, Portuguese, German, Dutch, Indonesian, Russian, Korean, Chinese, at iba pa.

Inaral aniya niya ang mga wika sa loob ng halos anim na taon, at pinost sa YouTube ang una niyang polyglot video noong Pebrero 18, 2018.

Ngayong naka-home quarantine ang karamihan sa daigdig bilang pag-iingat sa COVID-19, nadaanan nila ang video ni Marlon.

May mga dayuhang netizen pa na naintindihan umano ang sinabi ng Pinoy sa kanilang wika.

Nahikayat naman ang ibang Pinoy na mag-aral ng ibang wika dahil kay Marlon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?