6

Sep 28, 2020 @ 16:39
By

Pinoy na na-test para sa COVID-19 higit 3.5M na

Lumampas na sa 3.5 milyong Pilipino ang nai-test ng gobyerno para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nationwide.

Ayon pa kay deputy chief implementer at testing czar Secretary Vince Dizon, malapit nang maabot ang 3.6-milyong test mark.

Napakalayo aniya ito sa coronavirus testing output natin noong Marso hanggang Mayo.

“This is a far cry from the very, very poor testing output that we had in the beginning, especially in March, April, in May,” ani Dizon.

Gayunman, naniniwala ang testing czar na marami pang kailangang gawin para makontrol ang COVID-19 sa Pilipinas.

Target ng gobyerno na mai-test ang 10 milyong Pinoy para sa COVID-19 pagsapit ng early 2021, na nasa 10 percent ng populasyon ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?