125

Jun 4, 2021 @ 14:22
By

Pinoy mula India, 6 pang bansa, pwede pumasok sa ‘Pinas

Papayagang makapasok sa Pilipinas ang lahat ng Pilipino kahit pa may nakataas na travel ban sa India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman at United Arab Emirates .

“Liban sa repatriation program ng Philippine government, in-exempt ng inyong IATF ang non-Philippine government repatriation efforts sa entry restrictions sa mga manggagaling ng India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, and the United Arab Emirates,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa pitong bansa bilang pag-iingat para hindi makapasok ang B.1.617.2 COVID variant na nagmula sa India.

Tatagal ang travel ban hanggang Hunyo 15.

Para makapasok ang mga balik-bayang Pinoy sa Pilipinas, kailangan na mayroon silang negatibong RT-PCR test result na kinuha sa loob ng 48 oras bago umalis sa pinanggalingang bansa.

Isasalang din sa 14-day quarantine ang mga Pinoy na uuwi mula sa mga nasabing bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?