121

Jun 23, 2020 @ 20:23

Pinoy ‘Mr. Gay World’ lodi sina Angel, Heart, Bea sa pagtulong

Hindi lang ang mga celebrity na sina Angel Locsin, Heart Evangelista, Bea Alonzo, Mariel Padilla, Gerard Anderson ang bumida sa lockdown.

Isa rito ay ang unang Pinoy na Mr. Gay World titlist, businessman at LGBTQ supporter na si Sir Wilbert Tolentino na na-inspire sa pagtulong ng mga celebrities sa panahon ng pandemya.

Kung frontliners tent ang kontribusyon ni Angel nitong nakaraang lockdown, financial assistance naman ang kay Heart, food packs at PPEs naman ang kay Bea, fresh meals naman ang kay Mariel, online challenges search at game show naman ang pinaikot ni Sir Wilbert sa social media para sa lahat.

Natatangi ang project na ito ni Sir Will, kung saan dapat syang bansagang “Quarantine Online Philantropist” dahil sa kakaiba nyang pag-kawanggawa.

Binigyan nya nang pagkakataong maging creative uli ang netizen at ilabas ang natatanging talino, talent at energy sa lahat, kaugnay sa kanyang advocacy na “Stay Home, Save Live. We Will Beat Covid 19”.

Hangaring maibalik ang kakayahan ng bawat isa na paganahin ang utak sa sasalihang pagsubok, mailayo ang marami sa depresyon, kalungkutan, pag-aalala, takot dulot ng krisis ng pandemic.

Naglaan nang hindi bababa sa P 2 milyong pa-premyo (cash at foods packs) sa mga online search challenges na binuo nito.

Kabilang sa kanyang inilunsad ay ang ‘Queen of Lockdown Transformation 2020 Pagirl/ Pahard’ challenge para sa gay community, kung saan tumanggap ng P10K at isang sack of rice ang grand winner na si Popoy Son Roxas.

Maging ang buong pamilya ay kasali rin sa challenge, na ‘Cutiest Quest’ at ang nanalo ay si Mary Letim Ponce, na tumanggap ng P20K.

Nagawa niyang paglabanin ang mga social media influencers sa 1st season ‘Online Star Influencer’ na ang premyo ay P50K na tinanggap ni Sachzna Laparan.

Sa ikalawang season naman ay nagwagi si Shaina Denniz ng P200K.
Bilang may-ari ng mga entertainment venues at bars. Bumuo ng challenge si Sir Will para sa mga drag queens at gay & transgender contestants.

Ginawa ito ng negosyante dahil sa panahon ng lockdown, ilan sa labis na naapektuhan ay mga performers at magpahanggang ngayon ay wala pa ring trabaho.

Isa sa nanalo ng P50K ay si Lady Ivana na grand winner sa ‘Drag Queen Challenge’ at Marianne Crisologo ng P100K, na tinanghal na ‘Queen’ sa pageant.

Maging ang mundo ng mga macho at hunk models, male pageants ay binigyan rin ng atensyon ni Sir Wil at ng kanyang team dahil nanalo ng P200K si Allen Ong Molina.

Bukod dito, isang game show ang handog nito sa netizen sa kanyang “Wil or No Wil Online Game Show”.

Humigit-kumulang sa P234,900 cash prizes at 45 relief packs ang ipinamudmod nito sa mga sumali.

Take note, bukod sa grand prizes, mula 1st hanggang 4th runner-ups ay nagpa-premyo si Sir Will ng P3K, P5K, P10K, P20K sa mga mga challenges.
Maliban pa dito ang mga consulation cash prizes.

Isinama rin ng ‘Quarantine Online Philantropist’ o QOP ang mga vloggers, bloggers, entertainment press kung saan ay kasalukuyang nagaganap na challenge sa Media.

Nilinaw ng kanyang team na ang challenge ay hindi para pahirapan ang mga nasa entertainment, kundi paganahin muli ang husay nila sa panulat.
Tatanggap ng P100K ang grand winner, P50K ang 1st runner up: P30K sa 2nd; P20K sa 3rd runner up at P10K sa 4th.

Maliban pa dito ang mga consulation prizes.

Wala pang namumudmod ng milyong salapi para lang sa mga online searches at game shows, kundi si Sir Wil at ang kanyang team.

Puwede namang hati-hatiin ang mga premyo at ibigay sa mga marami, pero mas binigyang punto ni Sir Will at ng kanyang buong production staff na dapat ay pagalawin muli ang kakayahan ng mga sumali para hindi mabulok ang talino.

Napag-alaman din na may mga nakalaang ayuda, PPEs at relief packs si Sir Will at ang mga tao nito para sa mga apektado ng Covid 19 na nakaposte sa kanyang FB page.

Bilang isang self-made man, natutunan ni Sir Will ang magsumikap kaya naabot nya ang estado bilang successful businessman.

Batid ng negosyante na ang paggamit ng sariling kakayanan, talino, dedikasyong umangat sa buhay ay pang-matagalan at hindi pansumandali lamang.(Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?