109

Dec 5, 2020 @ 18:41
By

Pinoy ‘most wanted takas’ sa US

Isinama sa listahan ng “15 Most Wanted Fugitives” ng U.S. Marshals Service ang isang Filipino-American, na dating may-ari ng isang home health care firm sa Illinois, USA.

Taong 2017 nang tumakas pa-Mexico at nagtago si John G. Panaligan, 54, matapos akusahang pumatay ng isang real estate lawyer.

Nagtakda ng $25,000 reward para sa kanyang pagkakaaresto, ayon sa ulat sa Inquirer.

Inilarawan si Panaligan bilang “extremely dangerous” at kinasuhan ng first-degree murder sa pagpatay sa pamamagitan ng pagsakal kay Victor Jigar Patel, 36, Chicago law office nito noong Disyembre 7, 2016.

Si Patel ang nagsilbing abogado ng nagsampa ng kaso laban kay Panaligan.

Dual citizen sa Amerika at Pilipinas si Panaligan at diumano’y bayaw ng isang mayor sa Batangas.

Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng tinutulungan si Panaligan ng pamilya at mga kaibigan nito para maiwasan ang mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?