58

Mar 8, 2020 @ 10:24
By ,

Pinoy kasama sa 21 COVID-19 positive sa California cruise ship

Kabilang ang Pinoy sa 21 na nagpositibo sa coronavirus sa isang cruise ship sa San Francisco, California.

Kinumpirma ito ni cruise medical officer ng Grand Princess Cruise Dr. Grant Tarling.

Pansamantalang naka-isolate ang mga ito sa kanilang mga cabin.

Ayon pa sa kanya, 19 sa 21 na nagpositibo ay pawang mga crew member.

Nasa 1,100 ang crew ng naturang barko kung saan halos kalahati sa mga ito ay pawang mga Pilipino.

Nakatakdang dalhin sa isang pribadong pantalan sa California ang naturang cruise ship kung saan isasaialalim sa COVID19 test ang lahat ng sakay nito.

Inihahanda na rin ng US task force Covid-19 na pinamumunuan ni US Vice President Mike Pence ang isang quarantine camp sa loob ng isang military base kung saan dadalhin ang mga pasaherong magpapakita ng sintomas ng virus.

Samantala, sinailalim na ni New York Governor Andrew Cuomo sa state of emergency ang New York dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19.

Nasa 78 ang confirmed cases sa New York State habang 11 naman sa New York City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?