8
views
pulitzer-prize
By

Pinoy journalist, kabilang sa Pulitzer Prize winners

Sharing is caring!

Kasama ang isang Filipino journalist sa mga nagwagi sa Pulitzer Prize for International Reporting para sa report nito tungkol sa anti-illegal drugs war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabigyan ng pagkilala si Manuel “Manny” Mogato, kasama sina Clare Baldwin at Andrew R.C. Marshall na mula sa international news agency na Reuters para sa “relentless reporting that exposed the brutal killing campaign behind Philippines President Rodrigo Duterte’s war on drugs.”

Political at general news correspondent ng Reuters si Magato sa Maynila sa loob ng 15 taon habang si Baldwin ang special correspondent at si Marshall ang Southeast Asia special correspondent.

“It was a team effort. Everyone in the Manila bureau did their job but it was months of hard work and I admired the courage, strength, and perseverance of the team to pursue the drugs war story,” pahayag ni Mogato.

Inilabas ang listahan ng mga nanalo sa 2018 Pulitzer Prize ganap na alas-tres ng madaling-araw ng Martes.

Ang Pulitzer Prize ay isang award-giving body para sa mga natatanging gawa sa newspaper, magazine at online journalism, literature, at musical composition sa Amerika na nagsimula noong 1917.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?