29

By

Pinoy jin Dominguez bronze sa Italy meet

Mabunga ang unang araw ng Philippine National Taekwondo Team sa sumisipa pa ring 2019 Roma World Takewondo Poomsae Grand Prix na idinadaos sa Rome, Italy.

Nagkasya muli sa tanso si Asian Games bronze medalist Jeordan Dominguez sa Freestyle Individual Male Over 17 event sa pagrehistro ng 52.6 points.

“Wala pang nagme-medal na Philippines dito sa laro na ito kaya kahit ako hindi ako makapaniwala na nag-3rd ako kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong sak akin,” wika ni Dominguez.

Hindi man nakamit ang asam na ginto sa Individual category ay nakatakda naman ito rumesbak Linggo sa pair free style over 17.

Sisipa rin ang taekwondo jin na si Pauline Lopez para sa Kyorugi Women’s 57 kgs. event.

Isang magandang karanasan naman ito para kay Dominguez upang makita ang mga dapat ipagbuti sa sarili para sa mga susunod na kumpetisyon na sasalihan lalong-lalo na sa paparating na 30th Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa Disyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?