69

By

Pinoy huli sa pag-overstay sa Japan

Sharing is caring!

Ilang taon na nakapanatili ang isang Filipino sa Japan sa kabila na isang buwan lang ang visa na hawak nito.

Noong Hunyo 28 ay nabuking na ang pananatili ng 12 na taon ng 38-anyos na lalaki sa Kanagawa Prefecture ng Tokyo.

Ayon sa report ng TV Asahi, dumating ng 2005 ang lalaki sa Japan na tangan lang ang visa na may isang buwan na duration at hindi na niya ito pina-renew.

Tumira siya sa mga kaanak niya sa lugar na ligal na residente.

Sabi ng Kanagawa Prefectural Police, umamin ang lalaki sa iligal na pananatili sa Japan pero hindi umano siya nasangkot sa iligal na gawain.

Nitong buwan ay aktibo ang Kanagawa police sa paghuli sa mga indibiduwal na naninirahan sa kanilang bansa nang iligal.

Nasa 72 na umano ang naaresto nito dahil sa paglabag sa immigration law. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?