23

Jun 10, 2021 @ 11:42
By

Pinoy food truck binaboy sa Utah, Clarkson to the rescue!

Kaagad na tumulong si NBA Sixth Man of the Year Jordan Clarkson sa isang food truck na binaboy sa Salt Lake, Utah.

Ang food truck ng YumYumAsian ay naging biktima ng racial hate sa Amerika matapos na maabutan ang kanilang sasakyan na pininturahan ng mga mapang-insultong salita.

Kinondena ni Fil-Am Clarkson ang nangyari at nangakong tutulong para muling mapinturahan ng bago ang naturang food truck.

“It hurt me deeply to see that Salt Lake’s YumYumAsian food truck was recently vandalized — I know the pain that hateful language and racism causes,” ayon sa tweet ng Utah Jazz player.

“With help from IdentityGraphix, we’ll be able to restore the truck and hopefully lift Ben and his family’s spirit #StopAsianHate.” aniya pa.

Sa hiwalay na tweet, sinabi pa ni Clarkson na kaisa siya ng Filipino community sa Utah.

Nagpasalamat naman ang World Famous Yum Yum Food Truck sa pagsaklolo agad ni Clarkson.

“Thank you @JordanClarksons for not only wrapping our food truck, but also for having it detailed at Gorilla Car Wash & for your continued support & encouragement,” ayon sa tweet ng may-ari ng food truck.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?