33

Pinoy food store binuksan sa Canada

Opisyal nang bukas ang unang tindahan ng Filipino-owned french fries store Potato Corner sa isang mall sa Edmonton, Alberta, Canada nitong Setyembre 28, 2019.

Dumalo sa ribbon-cutting ceremony, ginanap nitong Setyembre 27, si Consul General to Calgary Zaldy Patron.

“The Philippine Consulate General warmly welcomes Potato Corner as the latest Philippine investor in the province of Alberta,” ani Patron sa Asian Journal.

“This investment will not only help expand Philippine franchising business in Canada but will also create jobs for the Albertans,” dagdag niya.

Oktubre 1992 nang buksan ni Joe Magsaysay ang unang kiosk ng Potato Corner sa SM Megamall, sa ilalim ng Cinco Corporation. Sa ngayon, may mga branch na ito sa Australia, Hong Kong, Indonesia, Amerika, at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?