81

Oct 16, 2017 @ 16:08

Pinoy film, nagpasiklab sa Busan IFF

NOONG Linggo, October 15 ay nag-world premiere ang Pinoy film na Mga Gabing Kasinghaba Ng Hair Ko (Those Long Haired Nights) sa Busan International Film Festival sa Busan, Korea.

Ginanap ang kauna-unahang screening sa CGV Centum City 6 sa Busan, Korea, at nagpasiklab ang pelikula dahil umani ito ng magagandang feedback sa foreign audiences.

Present sa Philippine entourage ang dalawa sa tatlong lead actors ng pelikulang sina Matt Daclan at Anthony Falcon. Maaaring may ibang international film festival naman naka-reserba ang pagdalo ni Rocky Salumbides, na isa rin sa mga bida.

Ang next two screenings ay gaganapin sa October 17, 7PM sa Lotte Cinema Centum City 7, at sa October 20, 2 PM sa Megabox Haeundae (Jangsan) 3 sa Korea.

Bukod kina Matt at Anthony, kasama ring lumipad patungong Busan, Korea ang direktor na si Gerardo Calagui, producers na sina Bianca Balbuena at Bradley Liew, executive producers na sina Manuel ‘Manny’ Marinay at Mabel Mamba, at supervising producer na si Neil Maristela.

Kuwento ng tatlong Pinoy transgenders sa Burgos St., Makati City ang pelikula, played by the three actors na walang kiyemeng nagdamit babae, hair and makeup, at nagsuot ng mataas na heels.

Bugaw naman nila si Mon Confiado sa kuwento, na nung makausap namin ay nagsabing sa Burgos Makati nga raw ay maraming may Pinoy trans ang iba’t iba ang kuwento sa buhay.

Ayon kay Matt Daclan (actor from Cebu) nang makatsikahan namin, malaking challenge sa kanya ang gumanap na ‘trans’ for the first time dahil hindi daw ito biro.

“Kinailangan kong medyo magpapayat, para mag-slim, mag-ahit ng balahibo sa legs, at mag-ipit ng dapat ipitin,” tawa nito, para daw walang bumukol sakaling naka-dress siya sa eksena.

Full support rin ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Pinoy delegates sa Busan, Korea dahil kasama sa biyahe ang Chair na si Liza Diño-Seguerra and staff.

May Philippine premiere ang #ThoseLongHairedNights sa QCinema 2017 na gaganapin sa October 19-28 sa mga sinehan sa Quezon City.   (MELL T. NAVARRO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?