13

Sep 28, 2021 @ 11:49
By

Pinoy fans libre nood sa bakbakang Thirdy-Kiefer

Makakapanood ng libre ang mga Pinoy fans sa Kansai region sa Japan sa home game ng Shiga Lakestars laban sa San En NeoPhoenix, kung saan matutunghayan ang paghaharap ng magkapatid na Ravena.

Ibabandera ng Lakestars si Kiefer, habang pambato naman ng San En si Thirdy.

At dahil ito ang unang paghaharap ng dalawa sa Japanese B. League, gagawing libre ng Lakestars ang admission ng mga Pinoy fans sa Ukaruchan Arena.

“Attention, invite Filipinos to home games for free. All Filipinos who are invited will enter for free on the opening game,” saad sa pahayag ng Shiga.

Excited na rin naman ang magkapatid sa kanilang tapatan.

“Definitely, very excited for the home game playing against my brother,” wika ni Thirdy.

“As brothers, we know we bring out the best in one another. Hope we can do that and provide our team the need for us to win,” ani Kiefer. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?