130

Jul 24, 2019 @ 17:33
By

Pinoy driver binigyan ng award ni Queen Elizabeth

Pinarangalan ni Queen Elizabeth II ang Filipino driver na si Roland Quitevis ng “British Empire Medal” para sa 33 taon nitong pagseserbisyo sa UK Embassy sa Manila.

“I am delighted to announce that Her Majesty, The Queen Elizabeth II has honored Mr. Roland Quitevis with the British Empire Medal for his services to UK-Philippine Relations,” wika ni British Ambassador Daniel Pruce sa isang pahayag.

“Well-deserved recognition” umano ito para kay Roland dahil sa mahaba nitong pagseserbisyo sa embahada bilang tsuper ng ambassador.

Isinilang si Roland sa Sta. Lucia, Ilocos Sur pero sa edad na 22, lumuwas siya pa-Maynila para magtrabaho.

Unang trabaho umano niya ay sa British Embassy kung saan nagsimula siya bilang messenger at matapos maregular, nagkaroon siya ng skills at na-promote na maging official driver ng ambassador.

Siya ang official driver ng walong envoy ni Queen Elizabeth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?