hbc
By

Pinoy dribblers papasiklab sa HoopBattle Championship

Sharing is caring!

Dadayo sa Pilipinas ang HoopBattle Championship 3×3 ng China para sa isang buwang torneo sa July.

Nagsabwatan ang Ayala Malls Synergies at ABS-CBN Sports para ibigay sa Filipino teams ang oportunidad na magpakitang-gilas sa 3×3 arena.

Sa presscon sa Japan Town @ Vertis Ginza sa Ayala Malls Vertis North, inihayag na 48 teams ang sasabak sa Philippine leg ng torneo na tatawaging Vivo HoopBattle Championship Philippines.

Lalarga ito sa mga sangay ng Ayala Malls sa Glorietta, Trinoma, Market! Market!, Fairview Terraces at South Park sa July 1-29.

Makikita ang ibang detalye ng liga at maaaring i-download ang application forms sawww.hoopbattle.ph, sa June 3 ang submission ng application forms at sa June 10 malalaman ang final list ng teams.

Rules ng FIBA ang gagamitin sa torneo.

Bukod sa cash prizes, ipapadala ang top two teams sa China sa October para sumabak sa HBC Final.

Nag-umpisa noong 2015 ang HBC sa China at nag-expand na sa Beijing, Shanghai, Guangzhou, Shenzhen, Dongguan, Chengdu, Kunming, Foshan, Hong Kong at Taiwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?