31

Nov 11, 2020 @ 15:03
By

Pinoy DOTA 2 pro multa sa pag-trashtalk ng bebot

Naparusahan si TNC Predator player Kim ‘Gabbi’ Villafuerte matapos nitong makipagsagutan sa isang babaeng streamer mula Malaysia.

Nalantad ito matapos na mag-tweet si Hishiko ng mga patama sa kanya ni Gabbi kung saan sinabi ng Pinoy na ‘u talk too much for a girl’ o masyado daw itong maingay para sa isang babae.

Bukod pa dito, tinanong din ni Gabbi sa streamer kung mayroon ba itong dalaw o period.

Nag-reply si Gabbi sa tweet ng babae kung saan tinanong nito kung sexual harassment na ba ang ginawa niya.

“[You] talk too much in pubs and keep arguing with my teammates I just told u to stfu (shut the f*ck up) because its annoying… now its sexual harassment?” tanong ni Gabbi.

Nag-sorry naman din si Gabbi sa streamer ngunit pinagmulta pa rin siya ng kanyang koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?