15

Jul 21, 2020 @ 22:22
By

Pinoy dinurog 2-time DOTA world champion

Pinataob ng isang Pinoy ang isa sa haligi ng DOTA 2 sa buong mundo sa isang 1 versus 1 battle.

Wagi si Zedrik ‘Jeff’ Dizon laban sa back-to-back ‘The International’ champion na si Johan ‘N0Taik; Sundstein para maging kampeon sa Red Bull R1v1r Runes tournament.

Unang ginapi si Jeff ni N0Tail kung saan parehong Juggernaut ang kanilang gamit, ngunit nakabawi naman ang Pinoy sa bakbakan ng Windranger.

Pakaba pa si Jeff sa ikahuling laban kung saan nakamit ang 3-2 comeback victory sa Undying mirror match.

Si N0Tail ay ang team captain ng OG, ang natatanging back-to-back champion sa The International.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?