13

Mar 5, 2021 @ 13:11
By

Pinoy designer Gathercole dedo na

Si Rocky Gathercole, ang dating taong kalye na naging fashion designer ng Hollywood stars, ay sumakabilang-buhay na.

Napaulat na nadiskubreng walang malay si Rocky sa kanyang bahay sa Diliman, Quezon City noong Miyerkoles, Marso 3.

Sa pagpanaw ng kilalang fashion designer, nagluksa ang maraming Pinoy celebrity, kabilang si Sharon Cuneta.

“Rocky loved me. He was a pure Sharonian and my friend,” sey ng Megastar sa Instagram.

“I miss you already, dearest Rocky. Thank you for loving me all these years,” aniya pa.

Si Gathercole ay ang dating bata na natutulog noon sa tulay sa Maynila at naglalako ng pagkain gamit ang kariton na kalaunan ay naging sikat na Hollywood designer.

Kabilang sa mga dinamitan ni Rocky sina Beyoncé, Lady Gaga, Jennifer Lopez, Nicki Minaj, Katy Perry, at Britney Spears.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?