116

May 6, 2021 @ 12:59
By

Pinoy couple 2 beses naka-jackpot sa lotto

Walang lugar ang kamalasan sa buhay ng mag-partner na Pinoy sa Canada matapos silang manalo sa dalawang magkaibang lotto draws sa loob lamang ng pitong buwan.

Noong Setyembre ng nakaraang taon ay nagwagi sina Liezl Panganiban at Edgar Ebreo ng $500,000 sa 6/49 lotto sa Canada.

Hindi pa doon nagtatapos ang pagbuhos ng swerte sa dalawa.

Kamakailan lamang ay bumili si Ebreo ng isang Set for Life ticket sa isang 7-Eleven store sa kanilang lugar. Pag-uwi niya ay ini-scratch ni Panganiban ang nasabing ticket at nadiskubre nila na kanilang napanalunan ang winning combination.

Tumataginting na $675,000 ang napanalunan ng dalawa.

Ayon sa mag-partner ay gagamitin nila ang mga napanalunang salapi upang bayaran ang kanilang mga hinuhulugan at upang makapagbakasyon ang kanilang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?