19

By

Pinoy community sa Singapore, posibleng ‘di masilayan si Duterte

Sharing is caring!

May posibilidad na hindi makasalamuha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Filipino community sa Singapore sa kanyang pagdalo sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit and related summits.

Ito ay sa dahilang mahigpit ang schedule ng Pangulo sa tatlong araw na summit dahil sa mga nakalinyang pulong ng mga ASEAN leader.

Ang ASEAN summit ay itinakda simula November 13 hanggang 15.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Junever Mahilum-West na hindi niya nakita sa magiging schedule ng Pangulo ang pakikipagkita sa Filipino community.

“We have not heard of any plans because tje schedule is really tight –one meeting happening after the other. And then these are leaders, heads of states and governments and we are not sure if there is going to be time to meet the community,” ani West.

Naging bahagi na ng bawat biyahe ng Pangulo at mga dating Presidente sa ibang bansa na magkaroon ng panahon para makipagkita sa mga Filipino community para kumustahin ang mga ito at para ibalita ang mga nangyayari sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?