37

Sep 25, 2021 @ 9:12
By

Pinoy comic book inker tigok sa COVID

Pumanaw ang Filipino comic book inker na nasa likod ng ilang comic book ng Marvel at DC.

Ayon sa report ng Bleeding Cool, pumanaw noong September 23 si Jeff Huet matapos tamaan ng coronavirus.

Sa Facebook post, ibinahagi ng kapwa niya comics creator na si Carlo Pagulayan ang masamang balita.

“Today we lost an artist and a friend, Jeffrey Huet,” saad ni Pagulayan.

Naging ka-partner daw niya si Jeff sa “Fantastic Four”, “Planet Hulk” at ilan pang libro.

Pareho rin daw sila ng iskul na pinasukan at pangarap: ang magtrabaho sa comics.

Sa mga gustong tumulong sa pamilya ni Huet, nagbigay din si Pagulayan ng update:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?