890
Pinoy comedian Jokoy tinabla si Pacquiao para sa NBA player
By

Pinoy comedian Jokoy tinabla si Pacquiao para sa NBA player

Kahit pa kalahi ni Manny Pacquiao ang sikat na comedian na si Jo Koy, may mas matimbang pa rin na atleta sa puso ng Fil-Am.

Ayon sa panayam ni Jo Koy sa Now or Never ng ESPN, kanyang pipiliin ang dating Seattle Supersonics center na si Shawn Kemp kaysa kay Pacquiao.

Ni hindi pa nababanggit ang pangalan ng “Pambansang Kamao” ay desidido na siyang piliin ang NBA player.

“The Rain Man, he came from Trinity Community College, he got signed by KC Jones and Seattle Supersonics,” saad ng komedyante.

“Rain Man took Seattle to the Finals, Seattle for life,” aniya pa ni Jo Koy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?