17

Feb 16, 2021 @ 18:24
By

Pinoy citizenship sa Spanish football star lusot sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na bigyan ng Filipino citizenship ang football star na si Bienvenido Marañon para makapaglaro na ito sa Azkals.

Walang tumutol sa pagpasa ng House Bill 8631, na nakakuha ng 206 pabor na boto.

Ayon kay Manila Rep. Manny Lopez, ang may-akda ng panukala, si Marañon ay lumipat sa Pilipinas noong 2015 mula sa Espanya. Naglaro ito para sa Ceres-Negros Team, na sumali sa Asian Football Confederation (AFC) Championship League.

Si Marañon ang leading goal scorer sa Philippine Football League at naging all-time top scorer sa AFC Cup matapos maipasok ang kanyang ika-35 goal kung saan nanalo ang Ceres-Negros sa iskor na 4-0 laban sa Bali United.

“If granted the opportunity to play for the Philippines, Marañon will undoubtedly be an invaluable asset to the national football team, the Azkals, and bring pride and honor to the country,” ani Lopez.

Nang magsagawa ng pagdinig ang House Committee on Justice, inilahad ni Marañon ang pagnanais na maglaro sa Azkals at makatulong para makarating ito sa World Cup.

“For me, I would like to become Filipino because I love the country, I love the people. I feel much love from the people. And I would like to give them the love that I received,” ani Marañon. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?