234

Jan 20, 2019 @ 19:05
By

Pinoy celebrities todo suporta kay Pacquiao

Proud na proud na sumuporta ang mga Pinoy celebrity kay Manny Pacquiao sa laban nito kay Adrien Broner sa Las Vegas.

Kani-kaniyang post sa Instagram ang mga kaibigang celebrity ni Pacman.

Ibinahagi ni Ruffa Guitierrez ang larawan na may caption na “We are cheering with you Manny” kung saan ay kasama niya ang boksingero at senador.

Ang broadcaster-television host naman na si Korina Sanchez ay lumipad pa Vegas upang manood ng laban ni Pacman.

View this post on Instagram

Tonite’s the Night💪

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on

Saad naman ni Lolit Solis na sumadya rin sa Las Vegas upang mapanood ang laban ni Pacman, ay talagang super magiging proud ka sa pagiging Pinoy kapag nakita mo ang adoration ng tao kay Pacquiao.

View this post on Instagram

Medyo nanibago ako sa set up ngayon ng fight ni papa Manny Pacquiao Salve. Nung sa Malaysia dahil siguro hindi kasing dami ng tao sa Vegas ang Malaysia kaya halos lahat ng manonood ng boxing nasasalubong mo sa lobby ng hotel, shopping area at kung saan saan. Dito sa Vegas hindi ko nakita ang staff ng 7, 2 at 5. Ang nasasalubong ko mga taga-Showtime na ginagawa ang special ng life ni Champ Manny. Bongga para gawin ng isang US show gaya ng Showtime ni Mario Lopez ang lifestory ni Manny. Talagang feeling yabang ka as Filipinl pag nakita mo adoration ng tao kay Manny. Kaya hindi kataka-taka na proud na proud si Mama Jinkee sa asawa niya. Sharing the glow ang pamilya Pacquiao at pati ang Jamora dahil feel nila ang love ng public kay Champ Manny Pacquiao na napaka-gracious sa lahat, Love you Champ Manny. #lolitkulit #instatalk #71naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Todo suporta ring bumyahe pa Las Vegas si Lovi Poe at tampok sa kaniyang IG stories ang pagsuporta kay Pacquiao.

Samantala, hindi pahuhuli ang official Instagram account ni Baeby Baste na katulad ni Pacman ay tubong General Santos din.

Sa IG ni baeby Baste ay naka post ang larawan ni Pacman habang hawak ang bandila ng Pilipinas.

View this post on Instagram

Cheering and praying for Senator @mannypacquiao #PhilippinesPride 🙏🏻🤗🇵🇭

A post shared by Baste (@iambaebybaste) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?