235
ABANTE pinoy celebrities fans brooklyn beckham bench philippines
Jan 15, 2018 @ 9:15

Pinoy celebrities fan-mode kay Brooklyn Beckham

Nag-fiesta nang todo ang mga local celebrities sa International millennial star na si Brooklyn Beckham.

Dumating sa bansa si Brooklyn para mag-grace sa opening ng flagship store ng Bench sa BGC para sa autography signing kanyang libro.

Ilan sa mga hindi pinalampas ang pagkakataong makita nang personal. Ang ilang ay nakapag-photo opt, selfies. May iba namang nagpa-autograph at naki-party.

Nakaposte BenchTM Instagram account ang photo nina Ylona Garcia, Gabbi Garcia at ng isa pang Garcia na si Coleen.

Nandoon rin Julia Gomez at ang parents nyang sina Richard Gomez at Lucy Torres.

Present rin ang iba pang mga Bench endorsers na sina Dominique Cojuanco, Dominique Roque, Marco Gumabao, Grae Fernandez, Julia Baretto, Ariella Arida at iba pa.

Nag-fan mode ang mga stars na ito kay Brooklyn na panganay nina Victoria at David Beckham.

Hindi inalintana nang mga nasabing kilalang Pinoy celebrities ang stature nila bilang mga sikat rin sa mga kapwa Pinoy communities sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Well, hot item naman kasi si Brooklyn at naging laman ito ng mga gossips and lifestyle entertainment news flatforms sa buong mundo.

Bilang high-profile celebrities lahat nang kilos nito sa Hollywood ay palaging naka-paparazzi at nasa newsfeed. Rey Pumaloy

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?