187

Jul 21, 2018 @ 17:36
By

Pinoy boxer Saludar sunod na sasaluduhan!

Isa si Victorio Saludar sa mga Pinoy boxer ang kasalukuyang gumagawa ng ingay sa mundo ng boksing.

Ilang araw lang ang nakakalipas nang masungkit ng professional boxer na si Saludar ang WBO mini-flyweight world title sa Japan.

Sa 21 professional fight record ng 27 anyos ay mayroon na siyang 3 losses at 18 wins, 10 by knockouts at 8 ang by decision.

Pero bago masungkit ni Saludar ang oportunidad sa pro boksing ay dumanas muna ito ng matinding pageensayo bago isalang sa asam na professional boxing court.

Ipinanganak noong November 3, 1990 sa Polomolok, South Cotabato si Saludar.

Lumaki sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental si Vic kasama ang nakatatandang boksingerong kapatid na si ‘The Sniper’ Froilan Saludar.

Noon pa lamang ay walang duda ang pagsunod ni Vic sa yapak ng kanyang kapatid na boksingero.

Pero bago pa masungkit ni Saludar ang kaniyang kauna-unahang World title ay nakipagbakbakan muna siya sa ilang regional meet at amateur boxing.

Isa rin siya sa mga pinadala noong 2010 para sa Lightweight title sa Guangzhou Asian Games.

Taong 2013 nang hirangin si Saludar bilang Light Flyweight Gold Medalist. At sa parehong taon rin siya nabinyagan bilang pro-boxer.

Taong 2015 naman ng una niyang nadepensahan ang WBO Asia Pacific Minimumweight title. At nitong 2016 ay nasungkit ni Saludar ang WBO Oriental Minimumweight title.

Unang sumabak si ‘Vicious’ ng professional world fight sa Japan nitong 2015 para sa WBO minimumweight title pero nabigo ang Pinoy na masungkit ang titulo.

At ngayong taon ay inangkin na ni Saludar ang asam na world title sa bansa.

Ang titulo ni Saludar ang ikalimang world titles sa pro-boxing sa bansa kabilang na ang WBO welterwieght title ni Pacquiao sa katatapos lang na laban kontra sa Argentinean na si Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur Malaysia.

Inaasahan naman sa mga susunod na mga taon na makapagbigay pa ng maraming titulo para sa bansa si Saludar. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?