57

Dec 16, 2017 @ 14:15
By

Pinoy boxer Sabalde bagsak sa Chinese

Nalasap ni Anthony Sabalde ang pangalawang dikit na dagok sa karera niya sa propesyunal na boksing sa taong ito.

Tapos matalo kay Nihito Arakawa ng Japan noong Enero 31 sa unanimous decision sa Korakuenm Hall sa Tokyo, isa pang kaparehas na talo ang nalasap ng 25-anyos na tubong Cebu City sa pagkakataong ito laban kay Zhimin Wang ng China sa Asian Games Stadium sa Guangzhou.

Naiuwi ng Chinese ang titulo ng World Boxing Council Asian Boxing Council lightweight division makaraang ibigay nina judges Chinese Wu De Bing at Melissa ang 100-90 iskor habang si Filipino judge Danrex Tapdasan ay nagkaloob ng 98-92, lahat para kay Wang.

Lugmok na ang kaliweteng Cebuano sa 12-7 win-loss na may seven knockouts. Umangat naman si Wang sa 10-2 na may 3 KOs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?