By

Pinoy boxer nambulabog sa Canada

Sharing is caring!

Tumitindi na ang training ni former World Boxing Council-Asian Boxing Council Continental featherweight champion Alvin Tam bilang preparasyon sa pakikipagbasagan ng mukha kay Mexican Luis Zambrano sa kanilang super featherweight duel sa Abril 7 sa Grey Eagle Resort and Casino sa Calgary, Canada.

Nasa kasagsagan na ng pagpapakondisyon ang 33-anyos na tubong Kapangan, Benguet at sinabing gagawin niya ang lahat upang manaig sa banatan.

“Matindi ang kalaban kaya kailangan matinding preparasyon,” wika ni Tam, ang tinaguriang Pinoy ‘baby-faced assassin’ sa Canada at mayroong 14-6 panalo-talo marka kasama ang apat na pagpapatumba.

Galing si Tam sa technical knockout victory noong Enero 27 laban kay Arturo Garcia Lujano ng Mexico sa Calgary.

Tatlong taon nang nakabase sa Canada si Tam, anak ni former WBC super featherweight challenger Rey Tam noong dekada 70, at unti-unti nang nakakagawa ng ingay at sariling pangalan sa naturang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?