135
abante-tnt-vismin-jayson-mama
Aug 6, 2018 @ 20:05
By

Pinoy boxer Mama pinataob ang katunggaling Tsino

Nanatiling walang talo ang Pinoy boxer na si Jayson Mama, 11-0, 6 KOs, matapos nitong dominahin ang Chinese fighter na si Su Yinhuan, 6-3-2, 1 KO, via unanimous decision sa kanilang 10th round bout noong Linggo ng gabi sa Wynn Palace, Cotai, Macau.

Ito ang unang laban ni Mama sa labas ng Pilipinas at nagpakitang-gilas ito nang sunod-sunod nitong paulanan ng kaliwang jab at kanang straight ang Tsinong kalaban.

Ang huradong sina Xiao Rong Gang at Xu Hai Fong ay nagbigay ng 96-94 sa kanilang scorecards habang ang IBF International judge na si Arnie Najera ay nagbigay ng 97-93, lahat ay pabor kay Mama.

Dahil sa kanyang pagkapanalo ay deretso agad si Mama sa quarterfinal ng prestihiyosong IBF 2018 Silk Road Championships Tournament sa Macau.

“I want to thank God for this victory. I also want to thank Sanman Promotions. I am very happy and I will continue to work hard,” saad ni Mama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?