204

Dec 23, 2017 @ 14:35

Pinoy boxer Genesis Servania, ‘pinatulog’ ang kalaban sa Round 1

Maligaya ang pagtatapos ng taon ni reigning WBO Asia Pacific featherweight champion Genesis ‘Azukal’ Servania matapos ang Round 1 knockout kay Thai Kittiwat Sirichotchayakun sa Sangyo Hall ng Kanazawa, Japan.

Malaking pagbangon umano ito para kay Servania (30-1, 12 KOs), matapos tumaob kay undefeated Mexican champion Oscar Valdez (23-0, 19 KOs) sa Arizona noong Setyembre, ayon sa SunStar.

Magsisilbing tuntungan umano niya ito sa susunod na laban sa parisukat na lona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?