32

Jun 18, 2021 @ 22:39
By

Pinoy binalaan sa paggamit ng hydroxychloroquine vs COVID

Binalaan ng isang eksperto ang publiko tungkol sa paggamit ng hydroxychloroquine upang gamutin ang COVID-19.

Ayon kay Dr. Charlotte Chiong, University of the Philippines Manila dean, ilang Pinoy na gumamit ng hydroxychloroquine ang nagkaproblema sa kanilang pandinig.

“I’ve seen recently some cases na umuugong talaga ang tenga and these are really severe. Hindi makatulog, hindi maka-concentrate,” lahad niya sa isang online forum.

“Kapag ugong ng tenga ang problema, mahirap ‘yan sagutin kung gagaling pa sila,” dagdag niya.

Ang hydroxychloroquine ay isang gamot para makaiwas o gamutin ang malaria.

Noong nakaraang taon ay hininto ang paggamit ng hydroxychloroquine sa mga COVID patient sa Pilipinas matapos sabihin ng World Health Organization na maaaring mamatay ang pasyente rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?