13

Oct 18, 2020 @ 21:34

Pinoy Big Brother magbabalik!

Mananatiling bukas ang ‘Bahay ni Kuya’ para sa mga nangangarap na Pinoy.

Sa ‘ASAP Natin ‘To’ nitong Linggo, inanunsyo na muling tatanggap ng bagong housemates sa ika-9 season ng reality show na tatawaging ‘Pinoy Big Brother Connect’.

At dahil sa pandemya, idadaan sa livestreaming app na Kumu ang mga nais mag-audition, kung saan kailangan lamang mag-video ng mga aspiring housemate para sa tsansang makapasok sa bahay ni Kuya.

Edad 16 hanggang 35 ang maaaring mag-audition na magsisimula sa October 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?