130

Jan 12, 2021 @ 19:08
By

Pinoy band Mayonnaise laman ng balita sa South Korea

Umeksena sa telebisyon sa South Korea ang bandang Mayonnaise.

Ito ay matapos nilang handugan ng kanta si Blackpink member Rose na may title na “Park Chaeyoung”.

Ibinahagi ng Mayonnaise sa kanilang Facebook account ang video kung saan mapapanood na ibinalita sila sa “Morning Wide” show ng Seoul Broadcasting System.

“Park Chaeyoung feature in SBS Morning News #MayonnaiseFirstWin,” sabi sa kanilang post.

Ilang kanta na pinasikat ng Mayonnaise ang “Jopay” at “Kapag Lasing”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?