37

Jun 18, 2020 @ 21:59
By

Pinoy assistant coach ng Spurs, nalungkot sa pagpanaw ni Danding Cojuangco

Nagpasalamat si dating Pangasinan 5th District Rep. Mark Cojuangco sa pakikiramay ni Chip Engelland, ang Fil-Am assistant coach ng San Antonio Spurs.

“We lost a great friend and sportsman. Really sad news. He made basketball and life so much better for so many. Miss you guys. Much love, Chip Really sad,” mensahe ni Engelland sa pagyao ni tycoon at political kingmaker Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.

Reply ng dating kongresista: “Thank you so much Chip. You made him/us, so happy and proud.”

Hunyo 16 matapos ang matagal na pakikipaglaban sa lung cancer ay pumanaw ang founder ng Nationalist People’s Coalition sa edad na 85.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?