7

By

Pinoy arnis pinag-interesan ng Iran

Sharing is caring!

Pinagka-interesan ng Iran ang pambansang sport ng Pilipinas, nagtatag na rin ng Iran Arnis Commission kasabay sa paglaki ng populasyon ng mga nahihilig dito, lalo na ng mga kabataang Iranian.

Kaugnay nito, nagpugay si arnis Grandmaster Hossein Ezzati sa Philippine Sports Commission sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila kahapon.

Sinamahan ang Iranian arnis officer nina Philippine Eskrima Kali Arnis Federation officials Rene Tingson (secretary general), Ronyll Mendoza (executive director) at Patty Caballero, Samuel Dulay, Gerald Canete, Felipe Abello, Jr., Efren Adresto at Mario Palazuelo (board members).

Nagpapasaklolo si Ezzati sa PEKAF sa mga patakaran o reglamento ng arnis. At nais niyang mapakalat din ang sport sa kalapit nilang Azerbaijan, Turkmenistan at Uzbekistan.

“We are very much willing to help and we appreciate your coming to the Philippines,” ani Canete, na hinirit na ipapasyal niya ang Iranian sa 10 araw na pamamalagi rito bukod pa sa pagpapanood sa ilang torneo.

Bahagi rin ang pagbisita ng dayuhan sa umiiral na Memorandum of Understanding sa Sports Cooperation na nilagdaan ng PSC at Iran Ministry of Sports and Youth Affairs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?